Eh kung usapang nakakainis lang, ang kawalan ng pera habang Christmas vacation ang isa d'yan. Wala ka ngang ginagawang mga assignment, hindi ka rin pumapasok, at wala ka ring pera. Baka sabihin n'yo namang mukha akong pera, hindi naman sa ganon pero mabubuhay ka ba ng walang pera? Makakakuha ka ba ng mga kailangan mo kapag nag-paawa ka lang? Tulad nga ng lagi kong naririnig sa kung kani-kanino lang, "hindi ka mabubusog ng pag-ibig sa mga panahong nagugutom ka". So ano ang punto ko? Nag-aaral ako para makatapos. Kung makatapos man ako, may panghahawakan ako. Mas madali akong makakahanap ng trabaho kesa dun sa mga wala nung pinanghahawakan ko. Kung may trabaho ako, malamang magkakapera ako. So ang lahat ng pinagsasasabi ko ay babagsak sa isang simpleng konklusyon, Pera (at napakaraming sipag at tyaga) ang magiging susi para magkapera ako sa hinaharap.
Eto pa isa, nakakabwisit yung bentang-benta na term na "SMP". Hindi naman valentines day ang pasko ha? at higit sa lahat, hindi isang mabigat na kasalanan ang pagiging single kapag sumapit ang araw ng pasko. Eh ano ba meaning ng SMP, bukod sa Samahan ng malalamig ang pasko? Ito ba'y Syota Mo Panget? O 'di kaya'y Samahan ng Mainit ang Pasko? Baka naman Samahan ng Maraming Pera at Samahan ng Mukhang Pera (at mukhang miyembro ako nito). Pero ang pinaka-okay na definition ko para dito ay "Sarap Mong Patayin"
__John erick Delos Reyes___
-etsssssssssssssssssssss
Pinakanakakainis ba?
2:19 AM |
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)






1 (mga) komento:
Nabasa ko yan
Mag-post ng isang Komento