Tungkol sa Akin

estudyante sa BulSU. first year pa lang ako at sobrang "noob" ako sa blogging. feel free to comment sa mga bagay na dapat ko pa iimprove? gets? :)

Mga tagasunod

Pinapagana ng Blogger.
RSS

Ang aking reaksyon sa kantang "Magkabilaan" ni Joey Ayala

        Matapos kong mapakinggan ang kantang ito, may ilang bagay akong nalaman at naintindihan sa aking sarili. Ang pagiging tama o mali ng isang bagay ay depende sa pagtingin mo dito. Walang ibang makakapagsabi kung wasto ito bukod sa sarili mo. Ang isa pa ay, ang buhay ay puno ng "irony". Kung sino pa ang gumagawa, s'ya pa ang hindi nakikinabang. Halimbawa, ang mga magsasaka. Ang ating mga magsasaka ay s'yang nagtatanim para sa atin. Hindi biro ang pagtatanim at pag-aani ng palay, na s'ya namang binibili natin para kainin. Kumbaga, dahil sa taas ng bilihin parang nagiging ganito ang lagay ng ating mga magsasaka, sila ang nagtanim, tayo ang kumain.

       Ang dalawang mukha ng katotohanan ay maaaring mali o tama. Pero ang masasabi ko na tama ay iyong ang makikinabang ay ang nakakarami. Maaari din naman na ang katotohanan ay makita sa paninindigan ng isang tao at ang paniniwala n'ya na ito ay tama. Mayroon din namang mali na pero pinagpipilitan pa rin na ito'y tama. Isa lang ang tamang salita para sa mga taong ganyan mag-isip. 'Yan ay "pagpapakatanga".

      Bakit nga ba natin inaalam kung ang ginagawa natin ay tama o mali? Bakit nga ba napakamapaglaro ng tadhana? Marahil ay malalaman ko lang ang mga sagot sa mga tanong na 'to sa aking pagtanda. Ang karanasan ang pinakamagaling na guro.


___john_erick_delos_reyes___

__BS-ECE 1C__

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento