Tungkol sa Akin

estudyante sa BulSU. first year pa lang ako at sobrang "noob" ako sa blogging. feel free to comment sa mga bagay na dapat ko pa iimprove? gets? :)

Mga tagasunod

Pinapagana ng Blogger.
RSS

Action Films sa Pinas (malayang paksa)

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay FPJ, kay Erap, at kay Ramon Zamora? Ako, hindi ko kilala si Ramon Zamora. Pero ang kwento sakin ng lolo ko dito e, Dabest 'yong mga tumbling nya! Si FPJ muntik nang maging presidente yan! (buti na lang talaga. . .) Si Erap naging presidente yan at alam mo na ang sumunod na nagyari.


Balik tayo sa paksa ng post ko na 'to. Kailan nga ba matatawag na Action Film ang isang pelikula sa Pilipinas? Unang una dapat ang bida ay inapi sa umpisa, i.e., pinatay ang buong pamilya, inalipin, at kung anu-ano pang kahayupan ang ginawa sa kanya. haha. Syempre kung ganyan ang nakaraan ng bida, mabubuo ngayon ang "plot" ng pelikula. Iikot yan sa kagustuhan ng bida na makapaghiganti. Kung may bida, mayroon ding bigotilyong kontrabida (kadalasan bigotilyo e). Karaniwang Senador, Gobernador, hanggang sa posisyon ng kapitan ang kontrabida. Sa simula ng istorya ay ganito format n'yan e. Mapapahiya ngayon si bigotilyo (itago na lang natin sa pangalang bigotilyo ang kontrabida at Patilya naman kay bida) dahil sa unang paghaharap nila ni patilya e, magmumukang tanga s'ya dahil wala s'yang ibubuga dito. Magagalit ngayon si Bigotilyo at magdedeklara ng All-out war kay Patilya. haha.

At magsisimula na ang bakbakan. Kahit siguro isang daang alipores na sinaniban ni satanas ang ipadala ni bigotilyo, kayang-kaya 'yan pulbusin ng ating bida. Tuwing nasa bakbakan 'yan, walang nararamdamang sakit yan. Tamaan man yan ng kahit ilang bala pero kapag ginagamot na ng ating leading lady si Patilya, nako daig pa ang mga batang umuurong dahil nalaman nila na pukpok method ang gagamitin para maging ganap ang pagkalalaki nila. 'Yung mga makakaligtas na goons e sasabihan ng ganito ni bigotilyo "Mga inutil! ang kikitid ng utak n'yo! iisang tao lang hindi n'yo pa kaya itumba? Mga walang silbi!". Bago tayo dumating sa "climax" ng pelikula, hindi pwedeng mawala ang kissing scene ng bida at ni leading lady (minsan nga, bedscene pa).
Pagkatapos nito'y magpapaalam si bida kay leading lady at bibitaw ng mga ganitong linya, "Bago magbukang liwayway ay nakabalik na ako" o ganito "Hindi ako mamamatay, maniwala ka". At totoo ang sinabi n'yang di sya mamamatay. Karaniwan nang siyam ang buhay ng bida. Para bang nirereject ni Lord o ni Satanas t'wing mag-aagaw buhay na.

Sa ending ng bakbakan darating ang mga pulis (ano pa ba ang aasahan? ano pa?!) haha. At take note, ang dami nila, kasama na rin ang ilang kapamilya, kapuso, kapatid, at kabarkada. Makikita na lang nila na lumalabas na sa warehouse o mansyon ang bida (kung saan nagbakbakan). Sasabihin ni boy patilya na napatay na n'ya si bigotilyo. Hindi papakialaman ng mga pulis si patilya kahit pa mahigit isang daang katao ang tinumba n'ya. Syempre bago matapos, isang mainit na kissing scene ang magaganap. At dito na magwawakas ang pelikula. hahahaha

'Yang mga bagay na 'yan ay opinyon ko lamang. Pero kadalasang ganyan naman 'di ba?
:)


___john_erick_Delos_Reyes___
etssssssssssssssssssssssssssssssss

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento