Ang aking reaksyon sa kantang "Magkabilaan" ni Joey Ayala
Action Films sa Pinas (malayang paksa)
Balik tayo sa paksa ng post ko na 'to. Kailan nga ba matatawag na Action Film ang isang pelikula sa Pilipinas? Unang una dapat ang bida ay inapi sa umpisa, i.e., pinatay ang buong pamilya, inalipin, at kung anu-ano pang kahayupan ang ginawa sa kanya. haha. Syempre kung ganyan ang nakaraan ng bida, mabubuo ngayon ang "plot" ng pelikula. Iikot yan sa kagustuhan ng bida na makapaghiganti. Kung may bida, mayroon ding bigotilyong kontrabida (kadalasan bigotilyo e). Karaniwang Senador, Gobernador, hanggang sa posisyon ng kapitan ang kontrabida. Sa simula ng istorya ay ganito format n'yan e. Mapapahiya ngayon si bigotilyo (itago na lang natin sa pangalang bigotilyo ang kontrabida at Patilya naman kay bida) dahil sa unang paghaharap nila ni patilya e, magmumukang tanga s'ya dahil wala s'yang ibubuga dito. Magagalit ngayon si Bigotilyo at magdedeklara ng All-out war kay Patilya. haha.
At magsisimula na ang bakbakan. Kahit siguro isang daang alipores na sinaniban ni satanas ang ipadala ni bigotilyo, kayang-kaya 'yan pulbusin ng ating bida. Tuwing nasa bakbakan 'yan, walang nararamdamang sakit yan. Tamaan man yan ng kahit ilang bala pero kapag ginagamot na ng ating leading lady si Patilya, nako daig pa ang mga batang umuurong dahil nalaman nila na pukpok method ang gagamitin para maging ganap ang pagkalalaki nila. 'Yung mga makakaligtas na goons e sasabihan ng ganito ni bigotilyo "Mga inutil! ang kikitid ng utak n'yo! iisang tao lang hindi n'yo pa kaya itumba? Mga walang silbi!". Bago tayo dumating sa "climax" ng pelikula, hindi pwedeng mawala ang kissing scene ng bida at ni leading lady (minsan nga, bedscene pa).
Pagkatapos nito'y magpapaalam si bida kay leading lady at bibitaw ng mga ganitong linya, "Bago magbukang liwayway ay nakabalik na ako" o ganito "Hindi ako mamamatay, maniwala ka". At totoo ang sinabi n'yang di sya mamamatay. Karaniwan nang siyam ang buhay ng bida. Para bang nirereject ni Lord o ni Satanas t'wing mag-aagaw buhay na.
Sa ending ng bakbakan darating ang mga pulis (ano pa ba ang aasahan? ano pa?!) haha. At take note, ang dami nila, kasama na rin ang ilang kapamilya, kapuso, kapatid, at kabarkada. Makikita na lang nila na lumalabas na sa warehouse o mansyon ang bida (kung saan nagbakbakan). Sasabihin ni boy patilya na napatay na n'ya si bigotilyo. Hindi papakialaman ng mga pulis si patilya kahit pa mahigit isang daang katao ang tinumba n'ya. Syempre bago matapos, isang mainit na kissing scene ang magaganap. At dito na magwawakas ang pelikula. hahahaha
'Yang mga bagay na 'yan ay opinyon ko lamang. Pero kadalasang ganyan naman 'di ba?
:)
___john_erick_Delos_Reyes___
etssssssssssssssssssssssssssssssss
Pinakanakakainis ba?
Eh kung usapang nakakainis lang, ang kawalan ng pera habang Christmas vacation ang isa d'yan. Wala ka ngang ginagawang mga assignment, hindi ka rin pumapasok, at wala ka ring pera. Baka sabihin n'yo namang mukha akong pera, hindi naman sa ganon pero mabubuhay ka ba ng walang pera? Makakakuha ka ba ng mga kailangan mo kapag nag-paawa ka lang? Tulad nga ng lagi kong naririnig sa kung kani-kanino lang, "hindi ka mabubusog ng pag-ibig sa mga panahong nagugutom ka". So ano ang punto ko? Nag-aaral ako para makatapos. Kung makatapos man ako, may panghahawakan ako. Mas madali akong makakahanap ng trabaho kesa dun sa mga wala nung pinanghahawakan ko. Kung may trabaho ako, malamang magkakapera ako. So ang lahat ng pinagsasasabi ko ay babagsak sa isang simpleng konklusyon, Pera (at napakaraming sipag at tyaga) ang magiging susi para magkapera ako sa hinaharap.
Eto pa isa, nakakabwisit yung bentang-benta na term na "SMP". Hindi naman valentines day ang pasko ha? at higit sa lahat, hindi isang mabigat na kasalanan ang pagiging single kapag sumapit ang araw ng pasko. Eh ano ba meaning ng SMP, bukod sa Samahan ng malalamig ang pasko? Ito ba'y Syota Mo Panget? O 'di kaya'y Samahan ng Mainit ang Pasko? Baka naman Samahan ng Maraming Pera at Samahan ng Mukhang Pera (at mukhang miyembro ako nito). Pero ang pinaka-okay na definition ko para dito ay "Sarap Mong Patayin"
__John erick Delos Reyes___
-etsssssssssssssssssssss
Nasimbang-gabi dre?
bago ko simulan to, ako nga pala si John Erick Delos Reyes. Baguhang blogger pa lang ako, in other terms, noob. haha
Balik tayo sa gusto ko sabihin. Takang-taka ako kung bakit ang tawag sa simbang gabi ay simbang gabi. Sa amin kasi, alas-singko ng madaling araw ito ginaganap. Wow pare, gabi pa ba 'yon? hindi ba parang mas angkop gamitin 'yung term na "Misa De Gallo"? (literally means "rooster's mass").
Kukumpletuhin ko ang siyam na gabi ( o madaling araw?) ng pagsisimba para matupad ang hiling ko. Ang malaman kung bakit ang tawag sa simba sa madaling araw ay simbang gabi. XD
hahaha. Ilang araw na lang pasko na.
Magandang umaga at Tara, kain tayo bibingka!








